Ang SuicideLine Victoria ay isang serbisyong pagpapayo sa telepono na nakabatay sa estado para sa mga taong naapektuhan ng pagpapakamatay at para sa sinumang nakakaranas ng mga suliranin sa kalusugan ng isip.
Ang SuicideLine Victoria ay may mga propesyonal na tagapayo na nag-aalok ng suporta sa:
- Sinumang nag-iisip magpakamatay
- Sinumang nag-aalala tungkol sa isang taong nasa peligro
- Sinumang nagmamalasakit sa isang taong gustong magpakamatay
- Sinumang naulila ng nagpakamatay
- Sinumang may mga suliranin sa kalusugan ng damdamin o pag-iisip
Ang serbisyo ay libre at makukuha ng mga taong may edad na 15 taong gulang pataas na naninirahan sa Victoria.
Ang serbisyo ay makukuha nang 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.
Upang makausap ang isang tagapayo, tumawag sa 1300 651 251.
Serbisyo sa Pagsasalin-wika
Ang Serbisyo sa Pagsasalin at Pag-iinterprete (TIS) ay makukuha ng sinumang hindi nagsasalita ng Ingles. Kapag tumawag ka sa SuicideLine Victoria, maaari kang humiling ng isang interpreter. Paghihintayin ka sandali ng tagapayo at pagkatapos ay iuugnay kang muli sa isang interpreter para sa kumperensyang tawag. O kaya naman, maaari kang tumawag sa TIS sa 131 450 at hilingin sa kanila na tawagan ang SuicideLine Victoria.